CPP-NPA

AFP, kinumpirma ang destabilization plot ng CPP-NPA

National News

Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), nagbantang papabagsakin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, base sa mga nakuhang dokumento sa mga sumukong miyembro ng New People’s Army.

Sinabi ni Arevalo na ang planong pagpapatalsik sa pangulo ay may palugit hanggang Oktubre 2018 kung saan isinasagawa ang usapang pangkapayapaan.

Tiniyak ni Arevalo na hindi nila ipagpapawalang bahala ang naturang impormasyon.

Katunayan ay nakaalerto na umano ang tropa ng militar.

Samantala, sinabi ni Arevalo na wala silang impormasyon kaugnay sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na may sabwatan ang CPP-NPA at Simbahang Katolika para patalsikin si Duterte.

Hindi rin masagot ng opisyal kung kasabwat ang oposisyon o kung may ibang grupo na kasama sa plano.

Malakanyang, nilinaw ang sabwatan ng Simbahang Katolika at CPP

Nilinaw ng Malakanyang na ilan lamang mula sa Simbahang Katolika ang nakikipagsabwatan sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque upang pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Roque na iilan lang mula sa hanay ng simbahan ang nakikipagsabwatan dahil maingat umano siya tungkol sa isyu.

Tiwala si Roque na kapag binalikan ang transcript ng mga press briefing sa Malakanyang ay mapapatunayan daw ang kaniyang sinasabi.

Dagdag pa ni Roque na ilan lang sa elemento ng simbahan ang hindi sumusuporta kay Pangulong Duterte at posibleng may sabwatan sa grupo ng mga komunista.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *