nueva ecija

Alkalde ng Nueva Ecija, patay sa pananambang

Regional

Patay sa pananambang si General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Oscar Albayalde matapos tambangan ang alkalde ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin pasado alas singko ng hapon, July 3.

Sa inisyal na ulat, galing umano si bote sa National Irrigation Administration (NIA) Office sa Cabanatuan City nang pagbabarilin ito sa loob ng kanyang sasakyan.

Naisugod pa sa ospital ang alkalde subalit ideneklara itong dead on arrival.

Nangyari ang insidente isang araw matapos ang pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili sa pagdalo nito sa flag raising ceremony.

 

Malakanyang, tiniyak ang hustisya sa pagkamatay ni Mayor Bote

Tiniyak ng Malakanyang ang hustisya sa pagkamatay ni General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magsasagawa ng patas at malalimang imbestigasyon ang PNP upang agad na mahuli ang mga responsable sa pamamaslang.

Ito ang pahayag ni Roque matapos tambangan ang alkalde sa harap ng National Irrigation Administration (NIA) Office sa lungsod ng Cabanatuan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring krimen.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *