50 barangay sa Cabanatuan City, naikot na ng Anti-Rabbies Vaccination Program

Regional

Umabot na sa limampung barangay sa lungsod ng Cabanatuan ang naiikot ng City Veterinary Office para sa kanilang Anti-Rabbies Vaccination Program mula buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng Hulyo.

Ito ang inihayag ni Dr. Remigio Paragas, Veterinary IV sa panayam ng DWAY Sonshine Radio kung saan katumbas aniya ito ng umaabot sa labinwalong libong aso at pusa na libreng nabakunahan.

Ipinaalala naman ni Paragas ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga alagang hayop upang maiwasan ang mas malalang problema, isa na dito ang nakamamatay na sakit na rabies.

Babala pa ni paragas na mag-ingat sa mga asong gala dahil sila ang may mataas na tyansa ng nagdadala ng rabies.

Kasabay nito, ibinida naman ng City Veterinary Office na nasa proseso na ang pagpili ng barangay na pagtatayuan ng Animal shelter kung saan prayoridad dito ng mga asong gala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *