Mga senior citizen, binalaan na huwag paloko sa mga gumagamit ng kampanya ng pederalismo

Regional

Mahigpit na pinaalalahanan ang mga senior citizen sa lalawigan ng Nueva Ecija na mag-ingat at huwag maniniwala sa mga nag-iikot sa mga barangay hinggil sa kampanya ang pederalismo.

Ito ayon kay Furtunato “Boyet” Amurin, Regional Officer of Participatory Governance at Regional Coordinator ng Kilusang Pagbabago-Nueva Ecija Chapter na merong naitalang nag-iikot sa bayan ng Laur kung saan nagpapakita pa ang mga  ito ng ID at nagpapakilang mga taga munisipyo.

Sinabi pa ni Amurin na ang mga ito ang maghihingi ang p120 para sa membership id at application form kasama na ang pangakong na kapag senior citizen ay magiging pensioner at tatanggap ng P6,000 kada buwan.

Ipinakakalat din umano ng mga ito na matatanggal na ang ipinatutupad na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD at papalitan na ito ng 5Ps.

Dagdag pa ni Amurin na anumang programa at benepisyo makukuha sa gobyerno ay dadaan sa tamang proseso at ahensya ng pamahalaan hindi mula sa sinumang magpapakilalang organisasyong nag-iikot sa mga barangay.

Dinigyang diin pa ni Amurin na layunin ng mga ito na sirain ang kampanya ng Pederalismo, dahil sa kanilang pangako na sa ngalan ng pederalismo ay maibibigay ang naturang pension, ngunit kapag hindi naibigay ay tiyak na magagalit ang taumbayan sa kampanya ng pederalismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *