Senior Citizen sa Nueva Ecija, inilatag ang kanilang mga hinaing kaugnay sa social pension

Regional

Mahigit limang daang mga leader ng senior citizen sa lalawigan ng Nueva Ecija ang dumalo sa isinagawang dialogue ng kilusang pagbabago at ng Department of Social Welfare and Development at Department of Agrarian Reform (DAR) sa lungsod ng Nueva Ecija.

Tinalakay sa nasabing pagtitipon ang lahat ng hinaing ng mga senior citizen kaugnay sa ipinatutupad na programa ng dswd na social pension program for indigent senior citizens (spisc).

Ayon kay Furtunato “Boyet” Amurin, Regional Officer of Participatory Governance at Regional Coordinator ng Kilusang Pagbabago-Nueva Ecija Chapter na maraming senior citizen sa lalawigan ang hindi nakakatanggap ng social pension at ang iba naman ay dumadaan pa sa napakaraming proseso.

Dahil dito, inirerekomenda ng grupo kasama na ang samahan ng Senior Citizens Affairs (OSCA), Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) at iba pang samahan sa lalawigan na magkaroon ng social pension booklet na tatatakan kung nakatanggap na ang kanilang social pension.

Nabatid na sa kasalukuyan ay tumatanggap ang mga indigent senior citizen ng p500.00 kada buwan mula sa programang Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPISC) at karagdang P200 na unconditional cash grant ng DSWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *