6,000 board feet na nakumpiska ng PENRO, hindi pa umano maaaring ipamigay

Regional

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources o PENRO Nueva Ecija na hindi pa maaaring ipamahagi ang mahigit 6,000 board feet na kahoy na kanilang nakumpiska noong buwan ng hunyo sa bayan ng Jaen.

Ito ayon kay Cherry Ruby Claudio, Forestry Division Chief ng PENRO ay dahil may nakabinbin pang kaso sa mga sangkot sa illegal na pagputol sa mga itinuturing nang “premium species” na mga puno ng yakal, lauan, at molave.

Dagdag pa ni Claudio na magsisilbing ibidensya ang mga nakumpiskang kahoy laban sa mga taong sangkot at lumabag sa articles 309 and 310 ng Presidential Decree 705.

Nabatid na sa mga nakalipas na taon ay agad na ipinamamahagi ang mga nakukumpiskang mga kahoy ng penro sa ibang mga ahensya ng pamahalaan gaya sa DepEd upang gawing upuan at sa Mega Drug Rehabilitation and Medical Center upang gawin ng higaan.

Ganunpaman, maaari pa rin naman umanong magsumite ng request letter sa PENRO para sa kanilang kahilingang kahoy at upang ito’y kanilang mapag-aralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *