Magsasaka sa Nueva Ecija, pinayuhan ng philrice na pumili ng akmang binhi na itatanim

Regional

Pinaalalahanan ng Philippine Rice Research Institute o Philrice ang mga magsasaka sa lalawigan ng nueva ecija na pumili ng akmang binhi na itatamin sa kanilang sakahan.

Sa panayam ng Sonshien Radio Cabanatuan, sinabi ni Dr. Glenn Ilar, Chief ng Rice Seed Systems Program ng Philrice na merong mga barayte ng binhi na inilabas na naaayon o regional specific adoptability lamang.

Meron din naman umanong binhi na inilabas ang philrice na para sa pagkalahatan o nationwide adoptability, ibig sabihin maaring itong gamiting binhi sa kahit saang rehiyon.

Sinabi pa ni Ilar na ang pagpili ng tama at de-kalidad na binhi ay maaaring magdulot ng pagtaas nang nasa lima hanggang dalawampong porsyentong ani ng mga magsasaka.

Nabatid na aabot sa sampu hanggang labindalawang taon ang gugugolin upang nakapag-develop ng bagong barayte ng palay bago ito ilabas sa merkado.

——

Pagdevelop ng ibat-ibang barayte ng palay, binigyang linaw ng Philrice

Nilinaw ng Philippine Rice Research Institute o Philrice na patuloy silang nag dedevelop ng ibat-ibang barayte ng palay upang makahabol sa pabago-bagong lagay ng panahon.

Sa panayam ng DWAY Sonshine Radio kay Dr. Glenn Ilar, Chief ng Rice Seed Systems Program ng Philrice sinabi nito na layun din nito na magkaroon ng maraming pagpilian ang mga magsasaka sa binhi ng palay na naaayon sa klima sa kanilang lugar.

Kasabay nito, hinihikayat naman ni Ilar ang mga magsasaka na makapag-produce ng sariling binhin o maging sees growers dahil mas malaki ang kikitahin rito ng mga magsasaka.

Samantala, inaasahan ang nasa 800 researchers, scientists, at members ng  academe, students, farmers, at iba pang mga stakeholders ang dadalo sa isasagawang 31st National Rice Research for Development Conference sa  Philrice Central Experiment Station sa lalawigan ng Nueva Ecija sa darating na September 6 hanggang 7 na may temang “Quality Rice, Quality Life”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *