PHILRICE, nagpaalala sa mga magsasaka sa mga pesteng maaaring umatake sa palay ngayong tag-ulan

Regional

Upang mapanatiling maganda ang tubo ng mga tanim na palay, pinaalalahanan ngayon ng Philippine Rice Research Institute o Philrice sa lungsod ng Munoz ang mga magsasaka sa mga peste maaaring umatake sa mga pananim ngayong tag-ulan.

Sa panayam ng DWAY Sonshineradio, sinabi ni Leonardo Marquez, Senior Science Research Specialist ng Crop Protection Division ng Philrice na mas madaling atakihin ng peste ang palayang laging lubog sa tubig.

Kabilang na aniya sa aasahang maaaring umatakeng peste ng brown planthopper o bph, golden apple snales o golden kuhol, habang mataas din ang populasyon ng mga daga kapag tag-ulan

Sinabi pa ni Marquez na maaari rin tamaan ng sakit ang palayang lubog sa tubig tulad ng bacterial leaf blight, sheath blight, at false smut.

Ipinapayo ng Marquez na tanggalin agad ang sobrang tubig sa palayan pagkatapos ng malakas na ulan.

Mainam na kumpunihin ang pilapil at linisin ang mga kanal nang dumaloy nang maayos ang tubig at maiwasan ang pagkalubog sa tubig ng palayan.

Dagdag pa diyan, nabubulok ang palay kung matagal na nakalubog.

Nagiging payat at kakaunti ang mga suwi kaya mas mataas ang posibilidad ng pagdapa ng palay lalo na kung may malalakas na hangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *