Philrice, nagpapatuloy sa mandatong magproduce ng mga de-kalidad na mga binhing palay

Regional

Nagpapatuloy umano ang mandato ng Philippine Rice Research Institute o Philrice sa lalawigan ng Nueva Ecija na makapagdevelop ng mga rice technology na makakatulong sa mga magsasaka para sa pagtaas ng kanilang ani at kita.

Ito ang inihayag ni Dr. Glenn Ilar, Chief ng Rice Seed Systems Program ng Philrice sa dway sonshinerado cabanatuan kung saan layunin din ng ahensya na makatulong ang mga magsasaka para makamtan ng bansa ang sapat na suplay ng bigas.

Sinabi pa ni Ilar na kasama na sa mandato ng Philrice na makapag-produce ng magagandang klase at kalidad ng binhi sa ilalim ng kanilang programa na Philrice Seed System.

Ani Ilar sa ilalim ng Philrice Seed System, tinitiyak na ang maipro-produce na binhi ng philrice ay makakarating sa mga magsasaka.

Dagdag pa ni Ilar na sa ilalim Philrice Seed System, may apat itong right na sinusunod upang makamit ng mga magsasaka ang mas magandang ani at kita.

Gaya nang, dapat right seed ang gamitin at akma sa lugar, dapat right time sa pagtatanim upang makaiwas sa peste at sakit, dapat may right amount o sapat na binhi na gamitin sa pagtatanim at dapat right price.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *