Antonio Carpio, handa umanong tanggapin ang posisyon bilang Chief Justice

National News

Nakahanda umano si Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio na tanggapin ang posisyon bilang Chief Justice.

Kasunod ito ng nalalapit na pagreretiro ng bagong talagang si Chief Justice (CJ) Teresita Leonardo-De Castro sa Oktubre.

Ayon sa ulat, tatanggapin na umano ni Carpio ang awtomatikong nominasyon sa kanya bilang pinaka-senior sa lahat ng mga mahistrado ng korte suprema.

Matatandaan na si de Castro ay itinalaga ni pangulong duterte dahil sa seniority rule.

Una nang tinanggihan ni Carpio ang otomatikong nominasyon sa kanya nang matanggal si da­ting Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa delicadeza.

Sakaling palarin, magseserbisyo si Carpio bilang punong mahistrado hanggang sa kanyang pagreretiro sa oktubre ng susunod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *