DFA, pamamahalaan ang hosting ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games

National News

Inilagay sa ilalim ng pamamahala ng Department of Foreign Affairs ang 7.5 billion pesos na pondo para sa hosting ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Sa ginanap na budget hearing sa kamara, ipinaliwanag ni DFA Sec. Allan Cayetano na ang unang plano ay ilalagay dapat ang pondo sa ilalim ng Office of the Executive Secretary.

Pero dahil sa isyu ng accountability o pananagutan, mas mainam umanong ilagay sa DFA ang pondo para sa regional multi-sport event.

Si Cayetano din ang tatayong chairman ng Sea Games Organizing Committee.

Sa ngayon ay itinatayo na ang animnapung ektaryang New Clark City sa Tarlac kasama na ang sports complex na pagdarausan ng athletics at aquatics events ng torneyo.

Inaasahan matatapos ang konstruksyon nito sa Setyembre ng susunod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *