House Speaker Arroyo, kinumpirma pagreretiro sa pulitika sa susunod na taon

National News

Kinumpirma ni House Speaker Gloria Arroyo ang kaniyang pagreretiro sa pulitika sa susunod na taon.

Sinabi ni Arroyo na aalis na siya sa pulitika pagkatapos ng kaniyang termino sa kongreso.

Ayon sa lider ng Kamara, ang lahat naman ay dumarating sa retirement age at kailangang mag-move on.

Itinuturing din ni Arroyo na blessing ang pagkakahalal sa kanya bilang speaker ng kamara bago siya magretiro.

Ipinagmalaki din ni Arroyo na nakatrabaho niya ang mga mas bata at mahuhusay na mga kontresista.

Dahil dito, kupiyansa ang dating pangulo na maiiwan ang gobiyerno sa magagaling na mga bagong lider.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *