Mungkahi na gawing ligal ang smuggling bigas sa Basilan, kinondena

National News

Kinondena ni AKO Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin ang mungkahi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na gawing ligal ang smuggling ng bigas sa Basilan at Zamboanga.

Tinawag ni Garbin na katangahan ang panawagan ni Piñol na gawing ligal ang smuggling ng mga agricultural products.

Sinabi ni Garbin na “economic sabotage” ang gagawin ni Piñol.

Ayon sa kongresista, oras na payagan ang smuggling sa bansa ay mas lalala ang problema ng gobiyerno sa iligal na pagpasok ng mas marami pang produkto.

Kasabay nito, hiniling ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang pagbibitiw sa puwesto ni Piñol at ni NFA Administrator Jason Aquino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *