Pagpa-deport kay Sister Patricia Fox, iginiit ng DOJ

National News

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na agad ipa-deport ang Australianang madre na si Sister Patricia Fox.

Ito ay matapos ibasura ng Bureau of Immigration ang motion for reconsideration ni Fox kaugnay sa deportation case nito.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may labing limang araw na palugit ang missionary nun para i-apela ang desisyon ng B.I.

Ayon kay Guevarra, kapag nabigo itong magsumite ng apela ay agad nilang ipatutupad ang pagpapalayas sa bansa kay Fox.

Nag-ugat ang pagpapadeport sa madre dahil sa mga pagdalo ni Fox sa mga political rally sa bansa na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *