Combat Operation sa mga “mountainous areas” ng Nueva Ecija, pinaigting

Regional

Mas pinaigting ngayon ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Philippine National Police (PNP) Nueva Ecija ang kanilang enternal security operation o anti-terrorism campaign.

Ito ayon kay Police Chief Superintendent Alexander Aurelio, Force Commander ng PMFC ay sa pamamagitan ng pinaigting na enternal security operation at combat operation sa mga kabundukan.

Sinabi pa ni Aurelio na tuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa mga barangay o lugar na posibleng may impluwensya ang mga rebeldeng grupo ng New People Army o NPA.

Kasama rin aniya sa kanilang tinututukan ang mga natatanggap nilang report na mga armadong grupo sa lalawigan.

Sa ngayon wala naman umanong namomonitor ang PMFC-Nueva Ecija na “aggressive action” ng rebeldeng grupo laban sa mga sibilyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *