PMFC-PNP, tiniyak ang kanilang coordination sa AFP sa kanilang combat operation

Regional

Tiniyak ang 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Philippine National Police (PNP) Nueva Ecija na dumadaan sa tamang koordinasyon sa Philippine Army ang kanilang isinasagawang combat operation sa mga “mountainous areas”.

Sa panayam ng DWAY Sonshine Radio, sinabi ni PSupt Alexander Aurelio, Force Commander ng PMFC na layun nitong maiwasan ang misencounter na una nang naitala sa Samar kamakailan.

Ayon pa kay Aurelio, ganun din naman umano ang militar na mahigpit ang koordinasyon sa kinalang hanay kung magsasagawa ng pag-papatrolya sa kabundukan.

Kasabay nito, inihayag ng opisyal na nagbunga naman ang kanilang pinaigting na combat operation dahil naka-recover sila ng tinatawag na temporary camp ng New People Army (NPA) kasama na ang ilang baril at bala sa bayan ng Gabaldon.

Bukod dito, naka-recover din umano ang PMFC ng mga “hot log” o nasa kabuong 1,542 board feet sa kabundukan ng Laur at ito ay agad naman nilang ipinag-bigay alam sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *