Llanera police station, nakapagtala ng zero crime rate sa nakalipas na tatlong buwan

Regional

Nakapagtala ng zero crime rate ang Llanera Police Station sa mga nakalipas na tatlong buwan.

Ito ang inihayag ni Police Senior Inspector Romeo Yutuc, Chief of Police ng Llanera PNP na bunga ito ang aktibong partisipasyon ng mamamayan ng Llanera sa mga programa ng pulisya.

Kasama narin aniya rito ang pinaigting na presinsya ng kapulisan sa matataong lugar, 24/7 na police patrolling at pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga barangay official, police multiplier at mga stakeholders.

Batay aniya sa kanilang tala, pawang mga barangay cases o away barangay lang ang naitala na agad nareresulba nang magkabing kampo.

Mapalad aniya ang mga residente ng Llanera dahil nananatiling tahimik at payapa ang lugar dahil walang naitatalang mabibigat na kaso tulad ng murder case, robbery insident, o mga kremin na sangkot ng mga motor riding tandem.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *