ATI, tuloy-tuloy ang  pagsasanay dahil sa mabilis na pagbabago ng mga impormasyon sa pagsasaka

Regional

Tuloy-tuloy umano ang mga programang ipinatutupad ng Agricultural Training Institute o ATI sa lungsod ng Palayan para sa sektor ng agricultura dahil sa paniniwalang ang mga impormasyon sa pagsasaka ang madaling magbago.

Ang ATI bilang kapartner ng mga scientist o research agency ay bukas sa pagbibigay ng mga makabagong kaalaman sa mga magsasaka at agricultural extension workers.

Sa panayam ng Sonshine Radio Cabanatuan kay Aeron Bermudez, Information Officer ng Regional Training Center, sinabi nito na ang tanggapan ng ATI sa lungsod ng Palayan ay nagsisilbing sentrong pansanayan ng mga magsasaka sa lalawigan Nueva Ecija at mga karatig probinsya gaya ng Aurora, Bulacan at Tarlac.

Ayon pa kay Bermudez, sa layuning mapalawak pa ang mga impormasyon mula sa mga municipal agriculture offices, nagbibigay narin sila ng mga libreng pagsasanay sa mga farmer entrepreneur, estudyante, grupo ng mga kabataan at mga kooperatiba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *