BIR-Cabanatuan, nilinaw na hindi lang TRAIN Law ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng bilihin

Regional

Aminado ang Bureau of Internal Revenue o BIR-Cabanatuan na may epekto sa pagtaas ng bilihin ang ipinatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ito ay dahil sa ipinataw na dagdag excise tax sa mga produktong gasolina, sweet and beverages, at mga cosmetic procedure.

Sa panayam ng Sonshine Radio Cabanatuan, nilinaw naman ni Nemie Ann Santiago, BIR Group Supervisor na hindi naman ito ang basic necessity ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Santiago na maari ding tingnang dahilan sa pagtaas ng mga bilihin ang pagtaas ng inflation rate ng bansa.

Bukod pa sa weather disturbances o masamang lagay ng panahon kung saan ang malaking epekto nito ay ang pagtaas ng presyo ng mga gulay sa merkado dahil sa kakauntng supply.

Kasabay nito, apela ni Santiago na sana tingnan din ng publiko ang magandang maidudulot ng TRAIN Law kung saan ang makukuhang collection dito ay magagamit sa mga infrastructure projects, free health, free education, at social program ng gobyerno na pakikinabangan ng mahihirap na Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *