Dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group, patay sa engkuwentro sa Aurora

Regional

Dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang namatay nang makasagupa nila ang mga sundalo ng 91st Infantry Batallion, 7th ID, PA, Fort Magsaysay sa ilalim ni MGen Felimon Santos, Jr.

Naganap ang bakbakan sa Brgy Villa, Ma. Aurora, Aurora Province makaraang makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen, ang platoon ni 2nd Lieutenant Hamilton Dawaton tungkol sa pangongotong at pananakot ng communist terrorist group sa kanilang lugar.

Tumagal ng 45 minuto ang bakbakan sa pagitan ng Philippine Army at Communist Terrorist Group na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang miyembro ng CPP-NPA.

Nakarekober din ang 7th ID ng isang M635 rifle, isang M16 na may kasamang M203 grenade launcher sa pinangyarihan ng engkuwentro.

Samantala nagpasalamat si MGen Felimon Santos, Jr sa komunidad sa agarang pagbibigay nila ng impormasyon tungkol sa presensiya ng CPP-NPA kung kaya naging matagumpay ang operasyon at wala namang nasawi sa hanay ng mga sundalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *