Golden Rice, dinedelop upang maging karagdagang tugon sa kakulangan ng Bitamina A

Regional

Binigyang linaw ng Philippine Rice Research Institute o PHILRICE Central Experiment Station sa lungsod ng Muñoz na dinebelop ang golden rice upang maging karagdagang tugon sa kakulangan ng Bitamina A.

Batay sa huling survey ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2013, mula 1.7 milyon ay umabot na sa 2.1 milyong kabataan, edad anim na buwan hanggang limang taong gulang, ang may kakulangan sa Bitamina A sa bansa.

Ayon kay Dr. Reynante Ordonio, Project Leader ng Healthier Rice ng Philrice na ngayong 2018, patuloy na tumaas ang naturang kaso sa kabila ng ibat-ibang program ng gobyerno para labanan ang vitamin a deficiency.

Kabilang na aniya rito ang pag-promote ng balance diet, biofortification, supplementation,  pagpapasuso ng ina, at availability ng mga prutas at gulay na nagtataglay ng Bitamina A.

Sinabi pa ni Ordonio, na nilikha ang golden rice para makatulong sa problema ng Vitamin A deficiency kung saan ang bigas ang pangunahing kinakain ng mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *