Learning Site Cooperator, ipinapatupad para makita ng mga magsasaka ang pagsasaka bilang business

Regional

Ipinatutupad na umano ng Agricultural Training Institute o ATI ang learning site cooperator, isang programa na katuwang ang mga prebadong sector sa pag-disseminate ng mga impormasyon sa pagsasaka.

Sa panayam ng Sonshine Radio Cabanatuan, sinabi ni Aeron Bermudez, Information Officer ng Regional Training Center ng ATI na isang pamamaraan ito upang mahikayat ang magsasaka na ma-engage sa farming at makita ang pagsasaka bilang business.

Nakakalungkot aniya na marami sa mga magsasaka ngayon na nagiging pantawid pagkain lang at pambayad utang ang pagsasaka.

Dagdag pa ni Bermudez, kapag ang isang magsasaka ay hand on sa farming, handang matutunan at iaplay ang lahat ng technology na kanilang nalaman ay tiyak na uunlad ang kanilang pagsasaka.

Sa ilalim ng programa, nagsasagawa din aniya ang ati ng libreng training kung saan itinuturo rito ang mapapaunlad ng kanilang produkto, marketing strategy, packaging at labelling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *