Philrice, tiniyak na walang dapat ipag-alala sa paggamit ng mga produkto ng biotechnology

Regional

Tiniyak ng Philippine Rice Research Institute o Philrice Central Experiment Station sa Science City of Muñoz na walang dapat ipag-alala ang publiko sa mga produkto ng modern biotechnology.

Nabatid na natanim na sa isip ng mga Pilipino na masama ang epekto kung gagamit ng mga produktong ginamitan ng genetically modified organism o gmo.

Sa panayam ng Sonshine Radio Cabanatuan, nilinaw ni Dr. Reynante Ordonio,  hepe ng Healthier Rice Project ng Philrice na kung titingnan ang history ang penicillin, at insulin ay produkto rin ng biotechnology.

Makikita naman aniya na napakarami nang tao ang natulungan ng nasabing technology.

Dagdag pa ni Ordonio na hindi na bago ang biotechnology sa agrikultura, sa katunayan, mahigit isang dekada nang nagtatanim ang magsasaka ng mais na produkto rin ng biotechnology.

Sa pamamagitan ng biotechnology, nabuo ang genitically modified na mais na matibay sa pesteng uod at nagpapataas pa ng ani ng mga magsasaka.

Maliban pa umano rito, bumababa din ang volume sa paggamit ng mga pestisidyo na nakakasira sa kalikasan at kalusugan ng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *