Tax Collection ng BIR Cabanatuan, malaking ang ibinaba ngayong taong 2018

Regional

Malaki ang ibinaba ng tax collection ng Bureau of Internal Revenue o BIR Cabanatuan District ngayong taon kumpara noong nakaraang taon 2017.

Ito ang kinumpirma ni Nemie Ann Santiago, BIR Group Supervisor ng BIR-Cabanatuan sa panayam ng Sonshine Radio Cabanatuan kung saan ang kanilang tax deficit ay umabot na sa P600 milyon.

Dahil dito, patuloy na umapela ang BIR sa mga tax payer na magbayad at i-file ng tama ang binabayarang buwis.

Sa ngayon, puspusan na umano ang ibat-ibang programa ng BIR upang mapunan ang kakulangan ng nakukulektang buwis gaya ng tax mapping at surveillance night operation sa mga night club.

Kasama na rin aniya dito ang tuloy-tuloy na audit sa mga tax payer upang maibestigahan ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *