Nueva Ecija Tourism and Travel Distation, target ng 1st Nueva Ecija Harvest Festival

Regional

Naniniwala ang Provincial Tourism Office na makakamit din ng Provincial Govenrment ang minimithing maging tourism and travel distation ang Nueva Ecija.

Ito ayon kay Provincial Tourism Officer Lorna Mae Vero sa ginanap na 1st Nueva Ecija Harvest Festival ay magagawa kung may pagkakaisa, pagsasama-sama ng lgus at public-private  partnership sa pagsusulong ng turismo.

Sinabi pa Vero na ang turismo ay hindi lang tungkol sa magagandang lugar ng eco-tourism o farm tourism kundi ito tungkol din sa magagandang tao na nagpapakita ang kanilang talento at galing.

Nakasentro umano ngayon ang Nueva Ecija sa cultural tourism kung saan tampok dito ang ibat-ibang festival, food product at kung paano mamuhay at mangarap ang mga Nuevo Ecijano.

—-

Kauna-unahang Nueva Ecija Harvest Festival ng Sm City Cabanatuan, matagumpay

Matagumpay ang isinagawang kauna-unahang Nueva Ecija Harvest Festival ng Sm City Cabanatuan nitong sabado, September 22, 2018.

Itinampok dito ang festival dance exhibition ng sampung municipalidad sa lalawigan ng pinangunahan ng bayan ng Bongabon, Cuyapo, Guimba, Llanera, Nampicuan, Palayan City, Rizal, San Antonio, San Jose City, at bayan ng Zaragoza.

Ayon kay Mark Carlo Herrera, SM Mall Manager, isa sa layunin ng aktibidad na pagsama-samahin sa iisang event ng mga festival sa lalawigan.

Dagdag pa ni Herrera na mayaman sa kultura at kasaysayan ang nueva ecija kayat karapat-dapat itong i-show case at i-highlight ng SM City Mall.

Naniniwala aniya ang pamunuan ng SM City Cabanatuan na sa pamamagitan ng harvest festival, makakatulong ito sa magpapalago ng ekomoniya at pag-unlad ng turismo sa lalawigan.

——

Nueva Ecija Harvest Festival, inaasahang ang mas malaking selebrasyonsa susunod na taon

Inaasahang taon-taon na isasagawa ang mas malaking selebrasyon ng nueva ecija harvest festival matapos ang matagumpay na aktibidad na isinagawa nitong sabado sa open carpark ng SM City Cabanatuan.

Sa panayam kay Mark Carlo Herrera, Mall Manager ng SM City Cabanatuan, sinabi nito na nakita niya ang kasiyahan at galak ng mga kabataan sa pagpapakita ng kanilang talento.

Hindi pa naman aniya nagsisimula ang programa ay marami na ang nagtatanong hindi lang mula sa mga local government unit kundi sa mga mall costumer kung ano ang kanilang aasahan sa susunod na taon.

Lubos din aniya ang kasiyahan ng sm sa ginawang paghahanda ng mga kalahok mula sa kanilang make-up, costume, at props maipakita lang ang kanilang ipinagmamalaking festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *