Publiko, hinikayat ng BSP na huwag nang gamitin ang maruming pera

Regional

 

Hinihikayat ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Cabanatuan Branch ang publiko na huwag nang gamitin ang maruming pera

Ito ayon kay Rodora Teresa Ramoso, Bank Officer III ng BSP Cabanatuan Branch dahil maaari na itong palitan, dalhin lamang sa mga bangko o mismong sa tanggapan ng BSP.

Simula ngayon araw ng lunes, October 1 mula alas nuebe hanggang alas dose ng tanghali maaaring papalitan ang maruruming pera sa itinalagang booth sa harap ng tanggapan ng BSP sa lungsod ng Cabanatuan.

Bahagi umano ito sa isinasagawang caravan ng ahesya upang mabigyang pagkakataon ang publiko mapapalitan ang kanilang pangit ng bago at malutong na pera.

Kasama umano sa maaaring palitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pera na tinatawag na “mutilated money” o mga perang nasunog, napunit dahil sa pagkain ng daga at pagkakaroon ng subrang matsa.

 —–

BSP, umapela sa publiko na panatilihing malinis ang perang papel

Umapela sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Cabanatuan Branch na panatilihing malinis ang perang papel kayat dapat itong huwag sulatan.

Sa panayam ng DWAY Sonshine Radio Cabanatuan sinabi ni Rodora Teresa Ramoso, Bank Officer III ng BSP Cabanatuan Branch na ang pera ay matatawag ng simbolo ng bansa.

Maipapakita aniya ang paggalang at pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pag-aalaga at mapanatiling amlinis sa pera ng bansa.

Sinabi pa ni Ramoso na isa ring uri ng pagtitipid kung iiwasang mamantsahan ang pera dahil mapipilitan itong palitan ng BSP.

Dagdag pa ng opisyal na mahigpit na ipinagbabawal na pagsulat o pagbago sa physical na anyo ng perang papel sa bisa ng Presidental Decree No. 247.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *