Siyam na bayan at isang lungsod ng Nueva Ecia, nakiisa sa costume festival ng SM Megacenter Cabanatuan

Regional

Siyam na bayan at isang lungsod ang nakiisa sa kauna-unahang Costume Festival, bahagi sa una nang inilunsad na Nueva Ecija Harvest Festival ng SM City Cabanatuan  at Provincial Tourism Office

Ayon kay Joanne Bondoc, Assistant Mall Manager ng SM Mega Center Cabanatuan, layun ng Harvest Festival-Costume Compitation na itampok ang fashion design na gawa ng mga Novo Ecijanos’ na bahagi ng kanilang one town, one product.

Kabilang sa nagpakita ng galing sa paglikha ng magagandang kasuutan ang mula sa bayan ng Abiao, Pantabangan, Jaen, San Antonio, Bongabon, Zaragoza, Gabaldon, Llanera, And Aliaga at Science City of Muñoz.

Sinabi pa ni Bondoc na taon-taon na itong isasagawa kung saan mas maraming kalahok ang inaasahang makikiisa mula sa ibat-ibang munisipalidad at lungsod ng probinsya.

Maniniwala din ang pamunuan ng sm megacenter na malaki ang maitutulong sa tourism industry ng lalawigan ang naturang Festival of Costume.

Tinanghal naman sa ika-dalawang puwesto ang kinatawan mula sa bayan ng Llanera na tumanggap ng 5,000 worth of giftcheck, bayan ng San Antonio sa unang puwesto na tumanggap ng 10,000 worth of giftcheck at bayan ng Aliaga ang nagwagi sa best costume na nag-uwi ng 15,000 worth of giftcheck.

—–            

Public-private  partnership, daan sa pagsulong ng turismo sa lalawigan ng nueva ecija

Naniniwala ang provincial tourism office na tuloy-tuloy na ang pagsulong ng turismo sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Lorna Mae Vero, magkakaroon lamang ng tunay na pag-unlad kung mayroong pagkakaisa, pagsasama-sama at mayrong Public-Private  Partnership.

Sa ginanap na kauna-unahang costume festival, sinabi pa ni Vero na ang turismo ay hindi lang tungkol sa magagandang lugar kundi ito ay tungkol din sa magagandang tao na nagpapakita ang kanilang galing at talento.

Naniniwala umano si Vero na ang pag-unlad ng turismo ay siyang pintuan sa pagkakaroon ng mas maraming negosyo at trabaho.

Sa ngayon, nakasentro ang Nueva Ecija sa cultural tourism kung saan tampok dito ang mga magagandang lugar,  ibat-ibang festival at mga food product.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *