9 dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan, tumanggap ng Immediate Assistane ng E-Clip

Regional

Siyam na dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan ang tumanggap ng labinlimang libong piso (15,000) Immediate Assistane sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip) ng pamahalaan.

Bahagi ito sa isinagawang peace rally sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija sa pangunguna ni Mayor Mary Abad, 84th Infantry (Victorious) Battalion, 7th Infantry (Kaugnay) Division ng Philippine Army.

Layun nito na maging peace loving community ang bayan ng Carranglan sa kabila nang naitatalang presensya ng makakaliwang grupo na naghahasik ng kaguluhan sa lugar.

Sa temang “Isulong ang Carranglan, Paunlarin ang Bayan, Lahat Magtulungan” nakiisa rin ang Department of Interior and Local Government (DILG), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Government at marami pang iba.

—–

Bayan ng Carranglan, hindi pa umano maidedeklarang insurgency free

Hindi pa umano maidedeklarang insurgency free ang bayan ng Carranglan, Nueva Ecija.

Ito ayon kay Col. Rowen Tolentino, Commander ng 703rd Infantry Brigade (703BDE), sa ilalaim ng 7th Infantry Division ng Philippine Army kasabay sa isinagawang peace rally sa bayan.

Sinabi naman ni Tolentino na base sa kanilang monitoring hindi na nakakalapit ang mga armadong grupo sa kumunidad kayat nasa 75-80 percent nang peacefully ang carranglan

Ang nagiging problema lang umano ay ang mga nasa malalayong sitio at barangay na malimit daanan ng mga makakaliwang grupo.

Sa ngayon umaabot na sa labing anim ang bilang ng mga miyembro at tagasuporta ng New People’s Army (NPA) ang sumuko na sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *