Pag-aaklas ng mga rebeldeng grupo, panahon na umano para tigilan – PA

Regional

Panahon na upang tigilan na ang pag-aaklas at magbalik loob na sa pamahalaan.

Ito ayon kay Lt. Col. George Bergonia, Commanding Officer ng 84th Infantry (Victorous) Battalion sa ginanap na distribution ng Immediate Assistane sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip).

Ayon kay Bergonia, ang ginawang peace rally, na may temang “isulong ang carranglan, paunlarin ang bayan, lahat magtulungan” ay patunay na seryuso ang pamahalaan sa pagbabago para sa kaunlaran ng bayan ng Carranglan.

Makikita aniya ang pagsisikap ng lahat ng ahensya ng pamahalaan na tulungan ang mga rebeldeng grupo para sa kanilang pagbabagong buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood program.

—–

Mga rebeldeng magbabalik loob sa pamalaaan, mas marami pang benepisyo at tulong ang matatanggap

Marami pang benepisyo at tulong ang maaaring ibigay sa mga rebelde na magbabalik loob sa pamalaaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip).

Ayon kay Col. Rowen Tolentino, Commander ng 703rd Infantry Brigade (703BDE), depende naman sa posisyon ng sumukong milesia o mga tagasuporta ng New People’s Army (NPA) ang kanilang matatanggap.

Sa ilalim ng E-Clip, ibat-ibang assistance benefits ang maipagkakaloob kabilang na ang Reintegration Assistance, Firearm Remuration, Immediate Assistance, Livelihood Assistance, Access to Government Services, Medical Assistance, Housing, Loan and Market Access, Legal Assistance, Alternative Learning System at iba pa.

Dahil dito, apela ni Tolentino sa mga hindi pa nagbabalik loob sa pamahalaan na tigilan na ang pakikibaka sa halip tumulong nalang sa gobyerno upang makamit ang minimithi nilang kapayapaan.

Naniniwala umano ang militar na mas uunlad ang isang lugar, dadami ang mga investor kung tuluyan nang mawawala ang karahasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *