Insidente ng rape sa bayan ng San Antonio, mahigpit na tinututukan ng PNP

Regional

Tuloy-tuloy ang mga isinagawang kampanya ng kapulisan sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija upang matiyak na maiiwasan ang insidente ng rape o panggagahasa sa bayan.

Ito ayon kay Police Inspector Antonio Martin Jr, Deputy Chief of Police ng San Antonio ay sa kabila ng iisang kaso nang rape ang kanilang naitala ngayong taon.

Sinabi pa ni Martin na kasama sa kanilang kampanya ang pagsasagawa ng symposium sa mga paaralan, pakiki-pagdayalog sa mga barangay at pamamahagi ng flyer ng naglalaman ng ilang mga tips.

Kasama narin aniya rito ang pakikipag-usap ng kapulisan sa mga magulang na tiyaking namomonitor ang mga aktibidad ng kanilang anak.

—-

Kampanya kontra “oplan rudy”, kabilang sa umiiral ng ordinansa ng san antonio

Upang matiyak ang kaligtasan ang mga kabataan lalo na kung gabi, pinaigting ng san antonio pnp ang kanilang kampanya kontra “Oplan Rudy”.

Sa panayam ng DWAY Sonshine Radio, sinabi ni Police Inspector Antonio Martin Jr, Deputy Chief of Police ng San Antonio na hinuhuli nilang mga minor-de-edad ng magmamaneho ng motorsiklo.

Ito ay sa ilalim narin ng umiiral ng ordinansa ng lokal na pamahalaan ng San Antonio.

Sinabi pa ni Martin na maliban sa pag-impound ng motorsiklo, pinatatawag din nila ang mga magulang ng mahuhuling kabataan upang paalalahanan at pagsabihan sa mga alituntunin ng umiiral na batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *