Mga kaalaman sa pagsasaka, maaari nang maidownload sa mga gadgets – Philrice

Regional

Dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon, hindi na lang mga games ang maaaring maidownload sa ating mga gadgets o cellphone kundi ang mga kaalaman sa pagsasaka.

Sa panayam ng DWAY Sonshine Radio, sinabi ni Nehemiah Caballong, APP Developer and Information Systems Division, ng Philippine Rice Research Institute (Philrice) na ito ay sa pamamagitan ng binhing palay app, e-damuhan, at ang agridoc app!

Nilinaw naman ni Caballong na ang tatlong apps na ito ay libreng serbisyo ng philrice sa layuning makatulong sa mga magsasaka gamit lamang ang kanilang gadgets.

Halimbawa na aniya rito ang binhing palay app kung saan malalaman dito ang lahat ng uri at katangian ng binhi, saang rehiyon inirerekomendang itanim ang binhi, at marami pang ibang kaalaman.

Sa ngayon, pinag-aaralan na umano ng Philrice ang pagbuo ng peste aps katuwang ang kanilang Crops Protection Division na tutukoy naman sa mga peste at sakit ng mga palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *