“Oplan katok”, mahigpit na ipinatupad ng General Natividad PNP kasabay sa kanilang loose firearm campign

Regional

Mahigpit ang ipinatupad na “oplan katok” ng philippine national police upang matiyak na walang makakalusot na loose firearm sa bayan ng General Natividad, Nueva Ecija.

Ayon kay Rocky Garcia, Deputy Chief of Police ng General Natividad PNP, isa-isa nilang kinatok ang tahanan ng mga “firearm holder” upang malaman ang status ng kanilang pag-aaring baril.

Sakali aniyang hindi pa narenew, naibenta o nawala ang kanilang baril ay dapat itong mareport sa himpilan ng pulisya.

Dagdag pa ni Garcia na tahasan din nilang sinasabi sa mga gun owner na dapat isurender sa pulisya kung ito nasa proseso palang ng pagpapa-lisinsya ng baril.

Ito ayon sa opisyal ay upang maiwasan na magamit sa maling gawain ng baril lalo nat papalapit na ang election gun ban.

—–

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *