Proseso para makamit ang “drug cleared barangay”, mas mahirap ngayong taon – PNP San Antonio

Regional

Aminado ang kapulisan sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija na mas mahirap na ang proseso para makapasa ang isang barangay bilang “drug cleared barangay”.

Ayon kay Police Inspector Antonio Martin Jr, Deputy Chief of Police ng San Antonio PNP, mula sa labin anim na barangay, iisa palang ang naka-apply bilang “drug cleard barangay”.

Marami umanong para-meters ang tinitingnan ng kapulisan bago nakapag sumittee ng request sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa “drug cleard barangay”

Malaki naman ang pasasalamat ni Martin sa magandang koordinasyon ng mga barangay official sa lahat ng program ng kapulisan.

—-

34 drug personality, aresto sa mga isinagawang police operation ng San Antonio PNP ngayong taon

Dalawamput walong (28) police operation na ang naisagawa ng san antonio pnp mula buwan ng enero hanggang ngayong oktubre taong kasalukuyan.

Ito ayon kay Police Inspector Antonio Martin Jr, Deputy Chief of Police ng san antonio pnp, na nagresulta sa pagkaka-aresto sa tatlumpot apat (34) na drug personality.

Sinabi pa ni Martin na nakapatala rin ang San Antonio PNP ng “arm-incounter” na ikinasawi ng nanlabang suspek.

Nangyari aniya ito noong buwan ng Agosto sa isang checkpoint operation kung saan ang biktima ay hindi sumunod sa mga otoridad sa halip ay bumunot pa ito ng baril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *