Tatlumpong prosyento ng mga drug surrenderies sa Gen. Natividad, sumailalim na sa Recovery and Wellness Program

Regional

Umaabot na sa tatlumpong prosyento ng mga drug surrenderies sa bayan ng General Natividad, ang sumailalim sa Recovery and Wellness Program o ng Philippine National Police (PNP)

Sa panayam ng DWAY Sonshine Radio, inihayag ni Rocky Garcia, Deputy Chief of Police ng General Natividad PNP na ngayong oktubre a-onse ay muling bubuksan ang ika-apat na batch na sasailalim sa “bahay pagbabago programa”.

Dagdag pa ni Garcia na nasa animnapung drugs surrenderies ang araw-araw na sasailalim sa skills training program na pangagasiwaan ng Technical Education Skill and Development (TESDA).

Nabatid na abot sa mahigit limang daan o 504 ang bilang ng mga drug surrendies sa bayan ng General Natividad na unti-unting nang sumasailalim sa recovery and wellness program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *