7 rebel returnees, tumanggap ng ayuda mula sa provincial government ng Nueva Ecija

Regional

Tumanggap ng ayuda ang pitong miyembro ng NPA o New People’s Army na nagbalik-loob sa gobyerno sa ilalim ng programang “Enhanced Comprehensive Local Integration” o E-CLIP ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng 7th Infantry Division ng Philippine Army, Provincial Government ng Nueva Ecija, Department of Interior and Local Government o DILG, nakataggap ng mga sumukong rebelde ang tig 65,000 bilang immediate at livelihood assistance.

Ayon kay Renato Bernardino, DILG Provincial Director, ang nasabing halaga na ipinagkaloob sa mga ‘rebel returnees’ ay magagamit nila bilang panimula sa kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan at pagbabagong buhay.

Mula sa bayan ng Caranglaan ang mga dating rebelde na kusang loob na sumuko noong buwan ng Hunyo taong kasalukuyan dala ang kanilang mga armas.

Kasabay nito, hinihikay naman ni Col. Rowen  Tolentino, Commanding Officer ng 703rd brigade 7th ID Phil. Army na mga rebelde na tigilan na ang pakikibaka at pag-aaklas laban sa pamahalaan sa halip ay magbalik loob na upang makamit nilang ang tunay na hinahangad nilang kapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *