Peace, Love and Joy, tampok sa mala “Christmas Village” ng SM Megacenter Cabanatuan

Regional

Tampok sa temang “Peace, Love and Joy for Christmas”, muling ipinaramdam ng SM Megacenter Cabanatuan sa mga Nuevo Ecijano ang diwa ng kapaskuhan sa pagbubukas nito noong biyernes Nobyember 8, 2018.

Ayon kay Carolyn Licup, Assistant Mall Manager ng SM Megacenter Cabanatuan, taon-taong isinasagawa ang naturang aktibidad kung saan napili ang mala “Christmas Village” na dekorasyon bilang sentro ng selebrasyon ngayong taon.

Sinabi pa ni kay Licup na ngayong Christmas season, espisyal ang pagdiriwang dahil hinihikayat nila ang mga mall goers na magbigay ng pinaka-mahalagang regalo sa kanyang pamilya, kaibigan at sa mundo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kapayapaan, pag-ibig at kagalakan.

Dinaluhan ang naturang aktibidad ng mga konsehal ng pamahalaang panglungsod ng Cabanataun sa pangunguna ni Vice Mayor EJ Joson at aabot sa pitumpo (70) ng mga bata mula sa Global Kids Academy suot ang kanilang Santa inspired outfit.

Kasabay nito, inilunsad din ng SM Megacenter ang kanilang taunang kampanya na “SM Bears of Joy” kung saan sa bawat dalawang teddy bear na nagkakahalaga ng P200 ang isa ay mapupunta sa bumili at ang isa ay para sa mahihirap ng bata o mga less fortunate children.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *