35-feet cupcake inspired christmas tree sa SM City Cabanatuan, pormal ng binuksan

Regional

Pormal nang binuksan ang may tatlumpot limang talampakan (35-feet) na cupcake inspired christmas tree sa SM City Cabanatuan kahapon, Nobyembre a-onse taong kasalukuyan.

Napili ang kakaibang centerpiece ngayong taon, hindi lang upang maging sentro ng atraksyon sa mga magpupunta sa sm mall kundi upang magbigay kasiyahan sa mga bata.

Ayon kay Ian Ezekiel Balao, SM Regional Operation Manager, ang selebrasyon ng kapaskuhan ang pinaka mahalagang okasyon sa buong taon lalo na sa mga bata kayat mahalaga aniya na maitanim sa mga ito ang diwa ng kapaskuhan habang bata na sila.

Buwan pa lamang umano ng setyembre ay maagang pinaghahandaan ng SM City Cabanatuan ang paglalagay ng dekorasyon na magpaparamdam sa mga mall-goers ng makulay na kapaskuhan.

Kasabay nito, inaanyayahan naman ni Balao ang lahat ng mga shooper na huwag palampasin ang kanilang special sales at ibat-ibang aktibidad ngayong christmas season

Ang pagbubukas ng naturang aktibidad ay dinaluhan nina Nueva Ecija Historical Cultural and Arts Officer Armando Giron, DTI Provincial Director Brigida Pili at mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP) Cabanatuan at Bureau of Fire Protection (PNP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *