“Bears of Joy Campaign” ng SM City Cabanatuan, nagpapatuloy ngayong Christmas season

Regional

Umaabot na sa mahigit walumpot limang libong mga kabataan ang nabenepisyuhan ng taunang “Bears of Joy Campaign” ng SM City na isinasagawa tuwing christmas season.

Sinabi ni Ian Ezekiel Balao, Regional Operation Manager ng SM Mall North Luzon na ang naturang programa ay sinimulan noong taong 2011 kung saan libo-libo nang mga bata nabigyan ng kasiyahan.

Kasabay nito, hinihikayat ni Balao ang mga mall-goers na suportahan ang kanilang “Bears of Joy Campaign” kung saan sa bawat P200 na pagbili ng dalawang teddy bears, ang isa dito ay kanilang maiuuwi habang ang isa ay mapupunta sa mga batang kapus-palad na benepisyaryo ng naturang proyekto.

Dagdag pa ni Balao na nakatanim na sa puso ng bawat Pilipino ang diwa ng kapaskuhan kayat kahit ano pa ang pagsubok na dumating lalo na sa mga Nuevo Ecijano ay hindi makakalimutan gunitain ang panahon ng kapaskuhan.

Una rito, napuno ng kasiyahan ang nasa dalawang daan bata mula sa Amazing Grace Christian School na makita nila si Santa Claus at mabigyan sila ng teddy bears na handog ng SM City Cabanatuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *