Kasalang Bayan 2019, maagang inanunsyo ng San Jose, N.E para sa mga magsing-irog

Regional

Maagang inaanyayahan ng pamahalaang panglungsod ng San Jose, Nueva Ecija ang lahat ng kanilang mga residente na nagnanais magpakasal sa Araw ng mga Puso.

Sa facebook post ng San Jose LGUs, makikita rito ang “Kasalang Bayan 2019” na isasagawa sa mismong araw ng mga puso o sa February 14.

Kaya naman para sa mga magsing-irog na nais magpakasal, kailangan lamang na kumpletuhin ang mga kakailanganing dokumento gaya ng Birth Certificate, Cenomar, Parental Consent (para sa edad 24 pababa), Family Planning Seminar at Death Certificate ng asawa kung biyudo o biyuda.

Maaari namanng mag-sumite ng application form sa City Civil Registrar’s Office, sa Ground Floor ng City Hall.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *