Paraan ng sabog-tanim, ipinapayo ng Philrice dahil sa mas tipid na gastos

Regional

Kinumpirma ng Philippine Rice Research Institute (Philrice) Central Experiment Station sa lungsod ng Munoz na aabot sa mahigit limang libong piso (P5,000) ang maaaring matipid kung sabog-tanim ang paraang gagawin kumpara sa lipat-tanim.

Ayon kay Fredierick Saludez ng Philrice, bukod sa tipid-gastos, mainam din ang sabog-tanim lalo na sa mga lugar na mahirap nang kumuha ng mga manananim.

Aniya, sa sabog-tanim, mas mura ang bayad o labor cost dahil ito ay hindi masyadong matrabaho bukod pa sa mas tipid sa tubig dahil hindi kailangan agad ng tubig matapos magsabog ng binhi.

Hindi na rin aniya kailangang magpasibol ng punla, magbunot, at itanim muli ang punla, mas mabilis din ang paggulang ng 7-10 araw kumpara sa lipat-tanim dahil ito ay hindi na binunot.

Malaki rin umano ang matitipid sa diesel dahil hindi na kailangan pang magbunot at maglipat-tanim.

—–

Paggamit ng barayti ng binhi para sa sabog tanim, ipinayo ng Philrice

Ipinayo ng Philippine Rice Research Institute (Philrice) sa mga magsasaka na kung kinukulang ang patubig sa lugar ng taniman ay pumili ng binhing maagap o early maturing.

Ayon kay Fredierick Saludez ng Philrice,  subok na sa sabog- tanim ang mga binhi tulad ng PSB RC10, PSB RC14, NSIC RC 130, 152, 238, at 298.

Sinabi pa ni Saludez na ang mga barayting ito ay mabilis lumaki at magsuwi upang hindi ito kaagad matalo ng damo.

Ipinapayo rin ang 40 hanggang 80 kilong binhi kada ektarya.

Maaari rin naman gumamit ng drumseeder sa pagsasabog-tanim nang makatipid sa binhi at maiwasan ang pagdapa ng palay.

Ang drumseeder ay may lalagyan na maliliit na plastic drum, ito ay may mga butas at hinihila lamang upang malaglag ng nakalinya ang mga pinasibol na buto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *