Tatlumpong Negosyo Centers, naitayo ng DTI sa Central Luzon noong 2018

Regional

Inihayag ng Department of Trade and Industry o DTI-Region 3 na umabot sa 30 Negosyo Centers sa Central Luzon ang kanilang nabuksan sa taong  2018.

Ayon kay DTI Regional Director Judith Angeles, ang lalawigan ng Nueva Ecija ang may pinaka-maraming bilang na umabot sa walo, Zambales na may pito, Tarlac na may lima, Pampanga na mayroong apat, tatlo naman sa Bulacan, dalawa sa Bataan at isa sa lalawigan ng Aurora.

Sinabi pa ni Angeles na umabot na sa bilang na 94 negosyo centers ang naitayo sa Central Luzon mula 2015-2018 at ito ay nasa  72 percent mula sa 130 syudad at munisipalidad sa rehiyon.

Malaki naman ang pasalamat ng DTI sa suportang ibinigay ng mga Local Government Units at ibat-ibang stakeholders na miyembro ng Micro Small and Medium Enterprise (MSME) Development Council sa pagpapatayo ng Negosyo Center.

Layon ng Negosyo Centers na maihatid ang business advisory, business development, business information services at capacity building programs sa maliit na mga negosyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *