SM Megacenter, pinangunahan ang 1st Giant Longganisa Pasta ng Cabanatuan

Regional

Isinagawa ang kauna-unahang Giant Longganisa Pasta ng SM Megacenter nitong Pebrero a-nuebe, bahagi sa katatapos lamang na Banatu Festival 2019 sa lungsod ng Cabanatuan.

Pinangunahan nina Cabanatuan City Vice Mayor EJ Joson, City Councilor Junnie Del Rosario at Carolyn Licup, Mall Manager ng SM Megacenter Cabanatuan at ng Marketing and Operation Team ng SM Megacenter ang nasabing aktibidad.

Ang Giant Longganisa Pasta na inihanda ng Hotel and Restaurant Management (HRM) Student ng College for Research and Technology (CRT) ay may kabuuhang 100 kilo ng pasta, 100 kilo ng longganisa at 100 kilo souce.

Ayon kay Carolyn Licup, Assistant Mall Manager ng SM Megacenter Cabanatuan, sadyang hindi isinabay ang pagbubukas ng kauna-unahang “Giant Longganisa Pasta” ng Cabanatuan upang bigyang daan ang mga aktibidad ng Banatu Festival.

Tiniyak naman ni Licup, gaya ng pangako ni Councilor Junnie Del Rosario na magiging bahagi na ang “Giant Longganisa Pasta” ng SM Mega Center sa pagdiriwang ng Banatu Festival 2020.

Samantala, asahan naman ang ibang aktibidad ng SM Mega Center gaya ng Drum, Beat and Roll sa February 26 sa Gen. Tinio Carpark at ang Castaway Music Festival sa susunod na buwan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *