Holographic images, tampok sa pakikiisa ng SM Megacenter Cabanatuan sa earth hour

Regional

Muling nakiisa ang lahat ng SM Supermall kabilang SM Megacenter Cabanatuan sa taunang pagsasagawa ng Earth Hour 2019.

Ganap na alas otso y’medya sabado ng gabi, sabay-sabay na sinalubong ng mga studyante na pawang mga Boy Scouts of the Philippines-Cabanatuan ang ceremonial switch-off ng mga ilaw sa Gen. Tinio Carpark ng SM Megacenter.

Ayon kay Carolyn Del Rosario, Assistant Mall Manager ng SM Megacenter Cabanatuan, ito na ang ika-apat na taong pakikiisa ng SM Megacenter sa selebrasyon ng earth hour bilang tanda ng pagmamahal sa inang kalikasan o Mother Earth.

Bilang nagsusulong ng environmental preservation, layun ng SM Megacenter na ipakita sa publiko sa pamamagitan ng “holographic images” na may pagpapahalaga sila kalikasan lalo na sa mga endanger species.

Panawagan naman ni Del Rosario sa mga estudyante maging sa mga shoopers na makiisa sa pangangalaga ng likas na yaman ng bansa.

Sa pamamagitan ng #connect2earth, nais ng Megacenter na ipabatid sa publiko na ang earth hour ay hindi lang “once a year event” bagkus ito ay dapat isagawa araw-araw at gawin itong lifestyle upang malabanan ang banta ng climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *