Pia Wurtzbach, dinalaw si Pauleen Luna

      No Comments on Pia Wurtzbach, dinalaw si Pauleen Luna

Binisita ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach ang matalik na kaibigan na si Pauleen Luna na nagdadalang-tao sa unang anak nila ng asawang si Vic Sotto.

Sa Instagram post ni Pauleen, masayang ibinahagi nito ang larawan nila ni Pia kung saan hinahawakan ng beauty queen ang kanyang baby bump.

Sinabi rin ng aktres na masaya siya na sa wakas ay nakilala na ni Pia ang kanyang future pamangkin.

Nabatid na ito ang unang pagkakataon na nagkita ang dalawa matapos inanunsyo ni Pauleen ang pagbubuntis noong Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *