2 poultry workers sa Pampanga, nagnegatibo sa Bird flu-DOH

Nagnegatibo sa bird flu virus ang dalawang poultry workers sa Pampanga.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Paulyn Ubial kasunod ng isinagawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa mga ito.

Ani Ubial, makakabalik na sa trabaho ang dalawa at binigyan na lamang sila ng gamot para magtuloy-tuloy ang paggaling.

Una nang kinumpirma ng DOH na dalawang poultry workers ang inilagay sa quarantine matapos magkaroon ng lagnat, ubo at sipon na mga sintomas ng bird flu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *