Mocha Uson, Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel De Leon, nagkasagutan sa social media

Nagkasagutan sa online sina Mocha Uson at Mariel De Leon dahil sa magkasalungat na pananaw sa kampanya laban sa droga ng pamahalaan.

Si Mocha ang kasaluyang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations office habang si Mariel naman ang Binibining Pilipinas-International title holder.

Nagsimula ang pasaringan ng dalawa nang magpost si Mariel tungkol sa nangyayaring “murder” sa bansa dahil sa war on drugs.

Agad naman itong sinagot ni Mocha at sinabihan pa ang beauty queen na huwag puro ganda ang gamitin.

Ipinaliwanag ng sexy dancer-turned-blogger-turned-secretary na magkaiba ang “murder” sa pagpatay sa mga kriminal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *