PHL Triathlon team, nakasungkit ng medalya sa 2017 Sea Games

Bumuhos ang pagbati sa Philippine Triathlon Team matapos nitong maka-buwena mano ngayong Lunes ng tig-dalawang gold at silver medals sa nagpapatuloy na Southeast Asian (SEA) games.

Una rito, nakamit ng atletang si Nikko Bryan Huelgas ang ginto sa men’s Triathlon pagkaraang matapos ang karera sa oras na 1 hour 59 minutes 30 seconds.

Habang sa women’s, may official time si Kim Mangrobang na 2 hours 11 minutes at 14 seconds.

Nasungkit naman nina John Chicano at ni Claire Adorna ang pilak sa kani-kanilang mga category sa nasabing event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *