PHL Gilas cadets, wagi kontra Malaysia sa iskor na 98-66

Dahil sa wala pang talo nangunguna ngayon ang Gilas cadets sa Group A kaya pasok na ito sa semifinals.

Magsisimula ang knockout game sa Biyernes upang harapin ang magiging no. 2 team sa Group B.

Samantala, patuloy sa pagsungkit ng mga medalya ang mga manlalaro ng Pilipinas sa South East Asian games.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroon ng walong gold, labing tatlong silver, labing anim na bronze at may kabuuang tatlumpu’t pitong medalya ang iuuwi sa bansa.

Posibleng madagdagan pa ang nasabing bilang sa nagpapatuloy na SEA games sa Kuala Lumpur Malaysia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *