Typhoon Hato, patuloy ang pananalasa sa Hong Kong; nasawi, umakyat na sa tatlo

Patuloy sa pananalasa ang typhoon Hato, na nasa maximum category 10 na bagyo sa Hong Kong.

Dahil sa lakas ng ulan at hangin, nasira ang ilang bahagi ng Asian Financial Hub dito, kung saan naputol ang mga puno dahilan ng pagsasara ng ilang mga negosyo.

Ang typhoon Hato ay nagdudulot ng malalaking hampas ng tubig-dagat na bumabaha sa mga pangunahing daanan.

Tatlo ang naiulat na nasawi sa Macau habang tatlumpu’t apat naman ang sugatan sa Hong Kong.

Nabatid na noong 2012 pa unang tumama ang category 10 storm sa Hong Kong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *