13 patay sa car bombing sa Afghanistan

Patay ang labing tatlo katao kabilang na ang ilang mga sundalo at sibilyan sa car bombing sa Helmand, Afghanistan.

Habang labing walo naman ang sugatan sa insidente na agad isinugod sa ospital.

Ayon kay Helmand Governor’s Spokesperson Omar Zwak, naganap ang pag-atake sa isang palengke sa Nawa district .

Kung saan nangyari ang bakbakan sa pagitan ng mga pwersa ng Gobyerno at Taliban forces.

Una nang inanunsyo ng Afghan Forces na nabawi na nila ang Nawa district noong Hulyo pero hindi pa rin natapos ang bakbakan sa nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *